Home ENTERTAINMENT Donny, hinalikan ng fan, di nakapalag!

Donny, hinalikan ng fan, di nakapalag!

190
0

Manila, Philippines- Trending ang isang video kung saan makikitang ninakawan ng halik ng isang fan si Donny Pangilinan.

Kuha ang clip sa isang out-of- town engagement ng aktor kung saan ito naglaro ng basketball.

Halatang nasurpresa si Donny dahil walang kaabog-abog na sumugod sa kanya ang nasabing faney.

Hirit naman ng kibitzers, dapat ay hindi raw papetiks-petiks ang security guards pagdating sa ganitong mga pagkakataon.

Ito naman ang komento ng netizens na nakapanood ng nasabing video.

“Kaloka, nasaan ang security? Bakit pinapayagang makalapit sa celebrity na walang kaabog-abog.”

“Minsan talaga sumusobra na ang fans.Dapat aware sila sa kanilang boundaries.”

“Di ko talaga gets yang mga nanghahalik ng artista, tao din yan. ikaw ba gusto mo halikan ng di mo kilala? Do unto others what you want others to do unto you.”

“Bastusan na yan eh, tapos magagalit sila pag na-call out ng mga hinahangaan nila.

“Wala kayong utang na loob kung wala naman kami hindi kayo sisikat!”

” Porke’t lalaki, doesn’t mean na di na harassment ang mga ganyan. People should learn about boundaries regardless of gender.”

“Grabe naman mga fans sa Davao, di naman siguro maarte si Donny pero sana icontrol my mga infectious disease tayo ngayon nakakahiya yung ganyan.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here