MANILA, Philippines- Natanggap na ng National Printing Office (NPO) ang isang HP Printer mula Miru System Company Limited na gagamitin sa pag-imprenta ng mga balota sa 2025 Midterm election.
Ito ay unang makina pa lamang at sa susunod na linggo ay nakatakdang i-deliver ng Miru ang isa pang makina.
Itinakda naman ng Commission on Election (Comelec) ang pag-inspeksyon sa nasabing makina pagkatapos itong i-assemble.
Sabi ng Comelec, nakakasunod sa itinakdang panahon ang Miru System Company Limited para sa pag-deliver ng mga Automated Counting Machine at printing machine.
Ang Miru ang nakakuha ng kontrata para sa gagamiting makina sa darating na 2025 Midterm elections.
Nauna na ring sinabi ng Miru na magiging glitch-free ang naturang mga makina. Jocelyn Tabangcura-Domenden