Home NATIONWIDE DOT nakikipag-ugnayan sa DOTr at airlines ukol sa mataas na flight tickets

DOT nakikipag-ugnayan sa DOTr at airlines ukol sa mataas na flight tickets

187
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Tourism (DOT) na nakikipag-ugnayan sila sa Department of Transportation (DOTr) at sa mga airline partners upang tugunan ang mataas na pamasahe sa ilang destinasyon sa Pilipinas, kasunod ng pangamba na mas mahal ang pagbiyahe sa bansa kumpara sa mga karatig-bansa.

“Sa pagkakaalam ko, ang chief concern is the high price of airfare and that was why nakipag-ugnayan tayo sa Department of Transportation dahil sila naman ang agency na may mandato to determine the transport of the country,” ani Tourism Secretary Christina Frasco.

“We are also coordinating with our… private airline partners and there, ni-relay natin yung concerns ng ating mga kababayan na mayroon nga pong destinations na mahal ang airfare,” dagdag niya.

Batay sa mga pulong noong nakaraang taon kasama ang Philippine Airlines, AirAsia, at Cebu Pacific, nangako ang mga airline na alisin ang dalawang pinakamahal na fare classes. Ipinilit din ni Frasco ang buwanang publikasyon ng price index sa airfares.

“That these [will] be fully transparent and that the Civil Aeronautics Board strictly enforce clear guidelines in terms of price ceilings. We are hopeful that with the quick action of the CAB and our coordination with the DOTr, mabibigyan ito ng solusyon,” ani Frasco.

Nilinaw ng DOT chief na hindi lahat ng pamasahe sa Pilipinas ay mahal, at binanggit ang hakbang ng Philippine Travel Agencies Association (PTAA) na bawasan ang buwis sa hotels, tours, at tiket ng eroplano upang mas maging kompetitibo ang bansa. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here