Home NATIONWIDE DOT, TIEZA at CHED lumagda ng JOA para sa tourism education

DOT, TIEZA at CHED lumagda ng JOA para sa tourism education

MANILA, Philippines – Nilagdaan ng Deparment of Tourism (DOT) ang joint administrative order na nagtatag ng alituntunin upang matiyak ang mahusay at wastong pagpapatupad ng mga batas at transparency sa paggamit ng Republic Higher Education Fund (HEDF).

Pinangunahan ni Tourism Secretary Christina Garcia Fransco ang ceremonila signing na ginanap sa National Museum of Natural History sa Maynila kasama sina Chief Operating Officer Karen Mae Sarinas-Baydo na kumakatawan kay TIEZA Chief Operating Officer Mark Lapid, at CHED Chairperson J. Prospero De Vera III.

Ang mga alituntunin ay nagsasaad na ang mga programa, kurso at proyektong pang-edukasyon na may kaugnayan sa turismo ay dapat ituring bilang prayoridad na sisingilin sa ilalim ng HEDF na kinabibilangan ngunit hindi limitado sa pagtatayo o pagpapahusay ng mga pasilidad para sa kursong nauugnay sa turismo at hospitality, pagpopondo sa industry immersion program at career development para sa mga guro at mag-aaral; suporta para sa technology innovations o digitalization sa turismo at hospitality programs; bukod sa iba pa na ipapatupad sa pagtutulungan ng DOT at HIgher Education Institutions (HEIs).

Kaugnay nito, naglaan ang DOT ng P17.5 bilyon sa tourism education at training sa buong bansa mula sa nakolektang travel tax mula 2015 hanggang 2024.

Ang pondo ay itninurn-over ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) at sinabi ni Frasco na susuportahan nito ang mga programa sa imprastraktura, pag-aaral, at pagpapalaki ng kapasidad sa ilalim ng Tourism Act of 2009.

Tiniyak ni Frasco na magkakaroon ng transparency at accountability sa paggamit ng pondo para maiangat ang mga pamantayan ng industriya at pag-unlad ng workforce. Jocelyn Tabangcura- Domenden