MANILA, Philippines – PINAGTAWANAN lamang ng Malakanyang ang panibagong isyu ng sinasabing umano’y edited na mga litrato ng First Couple (Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Unang Ginang Liza Araneta- Marcos) na kumakalat ngayon sa social media.
Nauna na kasing kumalat ang “fake news” ng in-edit umanong larawan ni Unang Ginang Liza na dumalo sa meeting ng Asian Cultural Council kamakailan at ang in-upload nitong Linggo ng gabi na isang bagong family photo gaya ng madalas naman nitong ginagawa.
Ngayon naman ay ipinag-iingay ng netizen na ang litrato naman ni Pangulong Marcos ang umano’y lumalabas na ‘edited’.
“Nakakatawa po. Una, sino po ba ang nagsabing edited? Hindi po ba, kung sila iyong nagsasabing edited, i-prove nila na edited. Nandoon po ba sila sa okasyon? Kasama po ba sila doon? Noong mga araw na iyon ay nandudoon ba sila sa nasabing venue? Kung sino ang nagsasabi na lahat ay edited, sila po ang magpakita ng ebidensiya,” ang sinabi ni Castro.
Kaya nga ang hamon ng Malakanyang sa mga nagpapakalat ng pekeng balita na patunayan na edited ang kamakailan lamang na ini-upload na litrato. Kris Jose