MANILA, Philippines – TARGET na ng fake news ang First Family simula nang hindi na naging maayos ang pagtingin ni Vice-President Sara Duterte sa pamilya Marcos.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire na matagal na talagang target ng ‘fake news’ ang First Family.
“Ever since tina-target na sila ng fake news. Hindi po bago. Simula nang hindi naging maayos ang pagtingin ni VP Sara sa pamilya Marcos nag-start na po ang fake news,” anito.
Sa katunayan aniya ay may pag-aaral ng isang isang journalist kung saan sinabi nito na mayroong bansa na may network ang talagang nagpapalaganap ng negatibong balita o misinformation lalo na sa Pangulo at pabor naman sa Bise-Presidente.
Biglang kambiyo naman si Castro sa pagsasabing, “I am not accusing anybody but a lot of people are propagating misinformation against the President and the country.”
MAy pagkakataon aniya na nalalaman ng Pangulo na nababasa nito ang social media posts tungkol sa kasalukuyang estado ng bansa at kasalukyang political situation.
At ang naisip aniya na lamang ng Pangulo sa bagay na ito ay “Fake news ang iba, ganoon. Fake news. Kaya po tayo nandito para labanan iyong mga fake news, iyan din po iyong naging una nating naging trabaho – kalabanin ang fake news.”
Samantala, inamin ni Castro na ‘slightly affected’ ang Pangulo sa kanyang mga nababasa sa social media kaya nga hiniling ng Pangulo sa Presidenial Communications Office (PCO) na gawin nito ang trabaho para kontrahin ang fake news hindi lamang para sa kanyang (Pangulong Marcos) sarili kundi sa buong bansa. Kris Jose