MANILA, Philippines – SINUPALPAL ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro si dating Presidential spokesperson Atty Harry Roque matapos na idaan ng huli sa kanyang Facebook Live ang muling panawagan nito na people power revolution.
Para kay Roque, walang masama ang people power revolution dahil ‘mapayapang pagtitipon’ lamang naman ito.
“Peaceful gathering for what? For what? Anong purpose? Well, they can discuss this over YouTube channel nila, over social media accounts nila, and for what is that gathering? If they’re for peace, why are they asking for the resignation of PBBM?,” ang sunod-sunod na tanong ni Castro.
Sa ulat, nanawagan at inimbitahan ni Roque ang mga vloggers na huwag nang umiyak sa mga pangyayari lalo na sa pag-aresto sa dating Pangulo dahil malinaw na lumabag ito sa soberanya ng bansa at hurisdiksyon at pagiging malaya ng Pilipinas.
“Balik EDSA na po tayo. Puwede ba ho? mga kaibigan, lahat ng mga hindi lang nagmamahal kay Presidente Duterte, lahat ng nagbibigay importansiya sa soberanya at sa hurisdiksyon at pagiging malaya ng Pilipinas, kinakailangan na po na manindigan na tayo.”
“MAGTUNGO na po tayo ngayon sa EDSA. Okay. mga vloggers. magkaisa na po tayo ng boses ngayon, patunguhin na po natin ang ating mga followers sa EDSA dahil yan lang po talaga ang solusyon ngayon. Nakahanda naman po ang mga legal na remedyo dya. bukod sa legal na remedyo bilang isang demokratikong bansa, may karapatan po tayong iparating ang ating saloobin dito sa pangyayari na inaresto na nila ang dating Presidente Rodrigo Roa Duterte.”
“So, ako po ang aking panawagan.. BALIK EDSA po tayo ngayon.”
Samantala, para sa Malakanyang dapat unawain ng taumbayan ang tunay na nangyayari sa kaso ng dating Pangulo sa ICC sa halip na magsagawa ng people power. Kris Jose