Home NATIONWIDE Pagbisita ni Hegseth patunay ng malakas na PH-US defense ties – AFP

Pagbisita ni Hegseth patunay ng malakas na PH-US defense ties – AFP

MANILA, Philippines – Ang nakatakdang pagbisita ni US Department of Defense (DOD) Secretary Pete Hegseth sa bansa sa Marso 28 ay patunay lamang ng malakas na military ties ng Pilipinas at Estados Unidos, sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Martes, Marso 25.

Sa press briefing, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na ang pagbisita ay pagpapatibay ng anunsyo ng Washington D.C. ng malakas na commitment nito sa pagsuporta sa Manila.

“This visit reaffirms na laging sinasabi ng ating ally for a long time na US na yun commitment nga nila is ironclad itong sa pag-support sa atin,” dagdag niya.

Ani Padilla, nagpapakita rin ang pagbisita ni Hegseth na handang palakasin ng US ang umiiral na military alliance nito sa Pilipinas.

Nakatakdang makipagkita ang US DOD chief kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa Biyernes sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Ito ang kauna-unahang in-person meeting ng dalawang defense chief, kasunod ng usapan sa telepono noong Pebrero.

Sa naturang telephone conference, binati ni Teodoro si Hegseth sa pagkakatalaga sa kanya bilang DOD chief. RNT/JGC