Home NATIONWIDE DOTr binatikos sa pag-import ng China jeeps: ‘Pati kalsada sasakupin ng Beijing’

DOTr binatikos sa pag-import ng China jeeps: ‘Pati kalsada sasakupin ng Beijing’

MANILA, Philippines – Matinding binatikos ni Senador Raffy Tulfo ang pag-aangkat ng Department of Transportation (DOTr) sa jeepney units mulang China na gagamitin ng pamahalaan sa isinusulong na Public Utility Vehicle Modernization program (PUVMP) kaysa locally-made na iconic dyip.

Sa pahayag, sinabi ni Tulfo na ginusto ng administrasyong Marcos na umangkat ng jeepney mula sa China kaysa paunlarin ang gawang Filipino na bahagi ng kultura ng Pilipinas.

Nakaka-amoy si Tulfo ng malawakang corruption sa PUV modernization program dahil kayang gumawa ng local local jeepney manufacturing industry ng de-kalidad at modernong jeep sa mas mababa at abot-kayang halaga.

Umaabot sa P2.6 hangggang P2.9 milyon kada yunit ang halaga ng imported jeepney mulang China na mas Mahal kaysa brand new unit ng local companies tulad ng Sarao at Francisco Motors na nagkakahalagang ₱900,000 hanggang ₱985,000 kada isa.

“Ang karagatan natin sa West Philippine Sea ay sinasakop na nga ng China, pati ba naman mga kalsada natin ay papayag tayong sasakupin na rin nila,” ayon kay Tulfo.

Sinabi ni Tulfo na makatitipid ang pamahalaan ng maghhigit P1.7 milyon kada unit kung pipiliin nito ang local manufacturer.

“Moreover, if the cost of the jeepney to be purchased is around ₱900,000, he said the government will be able to afford the subsidies to implement the modernization at no cost to the jeepney drivers and operators,” ani Tulfo.

Aniya, kung bibili ang pamahalaan sa local manufacturers , makalikha ito ngjob opportunities sa Filipino workers.

“Kasabay nito, patronizing local manufacturers would preserve the original style and iconic design of Philippine jeepneys which are already part of the Filipino culture,” ayon pa kay Tulfo.

Iginiit ni Tulfo na dapat bigyan ng prayorida ang kagaligan ng drayber sa pagpapatupad ng PUVMP kaysa China at ilang corrupt officials sa ahensiya na kikita sa naturang programa. Ernie Reyes