Home METRO Mag-asawa pinagbabaril ng riding in tandem

Mag-asawa pinagbabaril ng riding in tandem

CAUAYAN CITY, Isabela – Hanggang sa ngayon ay blangko pa rin ang kapulisan sa pananambang ng riding in tandem criminal sa mag-asawa habang silay pauwi sa kanilang bahay sa Barangay Buena Suerte dito sa nasabing Lungsod.

Kinilala ang biktimang mag-asawa na sina Tirso Ancheta, 49-anyos, magsasaka at asawa nitong si Mildred Ancheta, 47-anyos at residente sa naturang lugar.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na pasado 6:30 ng gabi ay pauwi na ang mag-asawa sakay ang kanilang tricycle.

Nang makarating ang mga ito sa harap ng kanilang bahay nang akmang bubuksan ni Mildred ang gate ng kanilang bahay ay biglang may humintong single motorcycle sakay ng dalawang katao kung saan ang backrider nito ang bumaril ng apat na beses kay Mildred.

Sinubukan pang tulungan ni Tirso ang kaniyang asawa ngunit binaril din ito at tinamaan ang kaniyang binti.

Agad tumakas ang riding in tandem papuntang Cauayan City proper habang ipinunta naman ang mag-asawa sa pinakamalapit na pagamutan matapos magreport ang isang konsernadong mamamayan.

Samantala, tila naging pasalubong na krimen sa pag-upo ng bagong Provincial Director PCol. Lee Allen Bauding kung saan ay maging hamon sa kanyang pamunuan at Cauayan City Police Station. Rey Velasco

Previous articleDOTr binatikos sa pag-import ng China jeeps: ‘Pati kalsada sasakupin ng Beijing’
Next articlePaglikha ng blacklisting committee sa DA, pinuri sa Senado