Home METRO 7-anyos pinagkamalang manika, pingbubugbog ‘gang sa mapatay

7-anyos pinagkamalang manika, pingbubugbog ‘gang sa mapatay

MANILA, Philippines – Natagpuang patay sa masukal na lugar sa Sariaya, Quezon ang isang pitong taong gulang na batang babae.

Base sa police report na pauwi na habang papauwi ang bata  kasama ang isa pang batang babae nitong Sabado, Enero 7, nang makasalubong nila ang suspek.

Inalok umano ang mga bata na ihahatid ang mga ito sa kanilang mga magulang pero dito na sila dinala sa gubat at saka pinagbubugbog at ginapos.

Nakatakas naman ang batang kasama ng biktima.

Base sa pahayag ng suspek na sumuko sa kapitan ng Bantang Morong, nagdilim daw ang kanyang paningin at inakalang manika ang bata.

Iniimbestigahan pa rin ng awtoridad ang krimen. RNT

Previous articleNagbalik ng P90K: Tapat na Immigration officer pinuri
Next articleDOTr binatikos sa pag-import ng China jeeps: ‘Pati kalsada sasakupin ng Beijing’