Home NATIONWIDE DOTr chief: Common station, MRT-7 target matapos sa 2027

DOTr chief: Common station, MRT-7 target matapos sa 2027

316
0

MANILA, Philippines- Nangako si Transportation Secretary Vince Dizon nitong Martes na bubuksan ang common station para sa LRT-1, MRT-3, at MRT-7 lines sa 2027, kasabay ng oagsisimula ng operasyon ng MRT-7 na kumokonekta sa Metro Manila at Bulacan. 

Sinabi ito ni Dizon bago ang pag-apruba ng kanyang ad interim appointment bilang kalihim ng Department of Transportation (DOTr) ng transportation committee ng Commission on Appointments (CA). 

“Ang goal po natin is makahanap na tayo ng bagong gagawa at magtatapos ng istasyon ng common station ngayong 2025 at ang timeline natin is kasabay sana ng opening ng MRT-7 ay tapos na rin ang common station, para by 2027 tapos na po finally,” anang opisyal.

“Parang 15 years na itong mga proyektong ito between common station, MRT-7, at ang koneksyon ng LRT-1 at MRT-3. Mahigit isang dekada na ito, halos 15 years na. Tingin ko, within the term of the President, lahat ng prokeytong ito ay matatapos na at operational,” dagdag niya. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here