Home NATIONWIDE PNP bumubuo ‘contingencies’ sakaling ipaaresto ng ICC si Bato – Torre

PNP bumubuo ‘contingencies’ sakaling ipaaresto ng ICC si Bato – Torre

279
0

MANILA, Philippines- Naghahanda ang Philippine National Police (PNP) ng contingencies sa gitna ng posibleng paglalabas ng International Criminal Court (ICC) ng arrest warrant laban kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa, ayon kay PNP chief Police General Nicolas Torre III nitong Lunes.

“We’ll cross the bridge when we are there. Ang hirap naman pangunahan noon kapag may darating na ganito. Paano kapag wala e di parang napakahirap naman noon,” pahayag ni Torre sa isang press conference.

“But obviously we are also making contingencies na kapag may nangyaring ganito ano ang ating gagawin,” dagdag niya.

“Hindi nga lang siya talaga proper na parang i-discuss mo na agad up to the moment. Nakita niya naman siguro. You know what I mean? It’s really something that has to be acted upon kapag andiyan na. We’ll make decisions as it comes,” patuloy ng opisyal.

Iniimbestigahan ng ICC si dating Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang matataas na opisyal ng kanyang administrasyon para sa crimes against humanity dahil sa umano’y systematic drug war deaths sa police operations.

Nauna nang tinukoy ni Dela Rosa, nagsilbing unang PNP chief ni Duterte, ang kanyang sarili bilang number two accused sa ICC case laban sa dating Pangulo.

Inaresto si Duterte sa Pilipinas ng local authorities noong March 11 sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng ICC.

Kasalukuyan siyang nasa Scheveningen Prison sa The Hague sa the Netherlands. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here