Home NATIONWIDE DOTr chief: Litrato ni VP Sara paalis ng bansa ‘di galing sa...

DOTr chief: Litrato ni VP Sara paalis ng bansa ‘di galing sa MIAA

175
0

MANILA, Philippines – Ipinagkibit-balikat ni Transportation Secretary Jaime Bautista nitong Lunes ang pagpuna ni Vice President Sara Duterte sa mga opisyal ng paliparan at sinabi na ang larawan ng kanyang pag-alis sa bansa ay hindi mula sa Manila International Airport Authority (MIAA).

Ginawa ng opisyal ang pahayag matapos sabihin ni Duterte nitong Miyerkules na dapat pagsikapan ng mga opisyal ng Paliparan na makamit ang isang world-class facility na na nagpapahalaga sa seguridad at privacy ng lahat ng pasahero lalo na ang mga bata.

“Subalit ang Pilipinas ngayon ay may mga opisyal ng paliparan na tikom-bibig ukol sa banta ng seguridad, at hindi man lang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon tuwing may banta tulad ng pagpapasapubliko ng video footage, flight details at iba pang maseselang impormasyon ng mga pasahero, kahit pa ng mga menor de edad,” sinabi ng Bise Presidente.

Sa kasagsagan ng bagyong Carina at Habagat, nakunan si Duterte sa paliparan patungong ibang bansa para sa personal na biyahe kasama ang kanilang pamilya.

Una nang sinabi ng Office of the Vice President (OVP) na ang timing ng departure ng pangalawang pangulo ay “unfortunate” ngunit binigyang-diin na ang kanyang paglalakabay ay may kaukulang pag-apruba bilang ebidensya ng travel authority na inisyu ng Office of the President na may petsang Hulyo 9,2024.

Kasunod ng pagtanggal sa 75 pulis na nakatalaga sa kanyang security detail, nanawagan din si Duterte sa kanyang mga tagasuporta at kaalyado sa Senado na tiyakin ang kaligtasan ng kanyang pamilya.

Ayon sa pangalawang pangulo, mayroong malisyusong paglabas ng video footage ng kanyang pamilya nang sila ay nasa NAIA.

“Kuha sa isang lugar kung saan pawang mga empleyado lamang ng paliparan at piling mga tao ang maaaring nandoon. Hindi na baleng ako, ngunit nakuha at naisapubliko rin sa naturang video ang aking asawa at mga menor de edad na anak na naging isang malaking banta sa kanilang seguridad,” sabi ni VP Duterte. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here