Home NATIONWIDE DOTr chief: Manila-Bulacan NSCR portion paspasan

DOTr chief: Manila-Bulacan NSCR portion paspasan

MANILA, Philippines- Ipinag-utos ni Transportation Secretary Vince Dizon nitong Miyerkules ang pagpapabilis sa Metro Manila–Bulacan portion ng North-South Commuter Railway (NSCR).

Sa inspeksyon ng NSCR project site, sinabi ni Dizon na magiging kapaki-pakinabang ang proyekto sa commuters dahil maibaba nito ang oras ng biyahe mula Metro Manila patungong Malolos, Bulacan sa 30-minute train ride.

“Kabilang din sa mga istasyon ng tren ang iba pang mga bayan sa Bulacan tulad ng Marilao, Meycauayan, Bocaue, Balagtas at Guiguinto –at magpapatuloy hanggang Clark sa Pampanga,” pahayag ng opisyal.

Ikokonekta ng 147-kilometer NSCR ang Metro Manila sa Pampanga sa norte at Laguna sa timog. RNT/SA