Home NATIONWIDE DOJ chief, iba pang opisyal dumalo sa ikatlong Senate hearing sa pag-aresto...

DOJ chief, iba pang opisyal dumalo sa ikatlong Senate hearing sa pag-aresto kay FPRRD

MANILA, Philippines – Matapos na hindi dumalo sa ikalawang pagdinig sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, present na sa ikatlong pagdinig ng Senate foreign relations committee ang ilang mga opisyal na pinangunahan ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla.

Bukod kay Remulla, dumalo rin sa pagdinig sina Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, Assistant Executive Secretary Cañero mula sa Office of the President, Philippine Center on Transnational Crime Anthony Alcantara, Special Envoy on Transnational Crime Ambassador Markus Lancanilao, PNP Criminal Investigation and Detection Group chief Police Major General Nicolas Torre III, at Security and Exchange Commission Chief Counsel RJ Bernal.

Naroon din si Retired Supreme Court Associate Justice Adolfo Azcuna Jr.

Matatandaan na noong Abril 3 ay pinuna ni Senador Imee Marcos, panel chairperson, ang hindi pagdalo ng mga Cabinet official sa ikalawang Senate committee hearing sa pag-aresto kay Duterte at pinalutang ang ispekulasyon ng “cover up” sa mga nangyari sa operasyon laban sa dating Pangulo.

“Hidden truths are unspoken lies. Ang katotohonang tinatago ay kasinunggalingan din. At mukhang ganu’n ang nangyayari ngayon sa pagtatago ng katotohan gamit ang executive privilege at subjudice, nagmimustulan tuloy may cover up sa mga nangyayari,” ayon kay Imee.

Ang hindi rin pagdalo ng executive officials ang nagtulak kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa para mag-isyu ng subpoena laban sa mga ito.

Sa kabila nito, araw ng Linggo, ay sinabi ni Escudero na hindi na kailangan ang subpoena para imbitiahan ang resource persons na dumalo sa pagdinig. RNT/JGC