Home METRO DOTr: Kasunod ng LRT fare hikes, petisyon para sa dagdag-pasahe sa MRT-3...

DOTr: Kasunod ng LRT fare hikes, petisyon para sa dagdag-pasahe sa MRT-3 muling ihahain

MANILA, Philippines- Nakatakdang maghain ng Department of Transportation (DOTr) ng petisyon para sa fare adjustments para sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), batay sa pangangailang ng mas maraming pondo upang matiyak ang maayos na serbisyo ng tren na bumabaybay sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA).

Sinabi ni DOTr Undersecretary for Railways Cesar B. Chavez na ihahain ang petisyon ngayong Lunes, sa Rail Regulatory Unit (RRU) ng ahensya na nauna nang ipinagpaliban ang fare hike dahil sa “infirmities in complying with the requirements and procedure.” 

Inaprubahan ang huling taas-pasahe sa MRT-3, walong taon na ang nakalilipas.

Ang anunsyo ay kasunod ng pagsasabi ng DOTr na aprubado na ang fare hikes para saLight Rail Transit (LRT) Line 1 (Baclaran to Monumento) at Line 2 (Antipolo City to Manila) at ipatutupad sa susunod na buwan.

“It has been eight years since the Light Rail Transit’s (LRT) Lines 1 and 2 adjusted its fares, so a train fare adjustment would mean more trains running and passengers being served better,” pahayag ni Chavez. 

Ipinaliwanag niya na karapat-dapat ang LRT-1 at LRT-2 sa fare increase matapos ibasura ang mga petisyon sa nakalipas na walong taon.

Inilahad ni Chavez na ang actual rates para sa end-to-end travel sa LRT-2 mula Antipolo hanggang Recto ay P178 kada pasahero, subalit P30 lamang ang sinisingil. 

Aniya, ganito rin para sa actual cost ng end-to-end train rides sa LRT-1, at sinabing mula pa 2016 ay inihihrit na ng operator ng LRT-1 na Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang fare increase.

“The approval is not only necessary, beneficial and practical for both the LRT operators and commuters, but also for the country as well. Let’s make the rail system sustainable to build more and to serve more,” pahayag ni Chavez.

Matatatandaang inaprubahan ng Rail Regulatory Unit (RRU) ng DOTr ang petisyon oara sa  pagtataas ng train boarding fee ng P2.29 na may karagdagang 21 sentimo kada kilometro sa LRT-1 at LRT-2.

Dahil dito, ang minimum boarding fee ng LRT-1 at LRT-2 ay magiging P13.29, mula sa orihinal na P11, at P1.21 kada kilometrong dagdag para sa kada isang kilometrong paglalakbay, na orihinal na P1 kada kilometro. RNT/SA