MANILA, Philippines- Nalulugi ang Pilipinas ng milyong halaga sa pagbabayad ng mataas na commitment fees bukod pa sa interest rates sa dayuhang bangko dahil hindi ginagamit ng Department of Transportaion (DOTr) ang P813.86 bilyong loan portfolio sa major infrastructure projects.
Ganito ang reaksyon ni Senador Joel Villanueva matapos matuklasan na mabagal ang loan utilization rate ng DOTr sanhi ng pagkakaantala sa pagpapatupad ng proyekto kaya’t hiniling nito ang rayusnal sa pag-utang sa dayuhan kung hindi kayang gamitin kaagad o walang kakayahan na ipatupad ang proyekto.
Ayon kay Villanueva, malayo ang patlang sa pagitan ng inutang na pondo at aktuwal na paggamit nito.
“The DOTr has an outstanding loan portfolio totaling $13.78 billion (approximately PHP 813.86 billion) from 26 foreign loans, but the department’s loan utilization rate remains low, at only 33.8%,” giit ni Villanueva,
Dahil dito, ayon kay Villaneuva, lumulobo ang ibinabayad ng pamahalaan sa mataas na commitment fees.
“Why are we taking these loans if we are not ready or if we don’t have the capacity to implement these projects?” ayon kay Villanueva.
Sinabi niyang nasasayang ang mahahalagang pondo sanhi ng pagkakaantala sa pagpapatupad ng pangunahing infrastructure projects tulad ng big-ticket railway project na nagpapabigat ang pasanin ng pamahalaan sa usapin ng pananalapi.
Partikular na kinuwestiyon ni Villanueva ang South Commuter Railway Project, na nakapagtala ng mataasna halaga ng commitment fee noong 2023 na aabot $2.41 million (higit sa PHP 142 million).
“This PHP 142 million went to waste, and the public still hasn’t seen any tangible progress on these projects,” tanong ni Villanueva.
Nagbabayad ang pamahalaan ng commitment fees kapag hindi nagagamit ang inutang sa dayuhan sa inaasahang timeline.
Nalulugi umano ang pamahalaan sa pagbabayad ng commitment fees na lumalamon sa pambansang yaman na maaaring gamitin sa iba pang mas kailangang proyekto at epektibong programa.
Kaya naman nanawagan ang senador sa DOTr na itala ang matitibay na catch-up plan upang pabilisin ang pagpapaupad ng proyekto at mabawasan ang ibinabayad sa commitment fees.
“We need to do something as legislators while we deliberate on the National Budget. If we continue with this cycle of delays, we will only be paying commitment fees without any real progress,” giit ni Villanueva.
Tinukoy din ng senador na bukod sa pagbabayad sa commitment fees, nakapag-aalala rin ang ibinabayad ng bansa sa interes sa utang na nagsimula sa oras nang maaprubahan ang inutang.
“In 2023, the DOTr accounted for two of the top five projects with the highest commitment fees, including the South Commuter Railway and the Malolos-Clark Railway Project, both of which involved substantial payments to the Asian Development Bank (ADB),” ayon kay Villaneuva.
“The Department of Finance reports that the total commitment fees capitalized by the National Government from 2002 to August 2024 amount to PHP 6.72 billion, underscoring the long-standing issue of inefficient loan utilization,” dagdag pa niya.
Hinimok nito ang DOTR na kumilos kaagad upang tugunan ang ugat ng pagkaantala, partikular ang isyu na may kaugnayan sa pagbili ng lupain at right-of-way concerns, na pangunahinmg salik sa mabagal na pag-unlad sa implementasyon ng proyekto.
“We must be prudent in our use of public funds. The government must prove that it can effectively implement projects before taking on more loans. Otherwise, we will continue to pay for commitment and interest fees without seeing the intended benefits,” ayon kay Villanueva. Ernie Reyes