MT. PROVINCE- Nagkakahalaga ng P9,000,000 ang pinagbubunot at sinunog ng mga awtoridad na fully grown marijuana plants sa isang taniman na nadiskubre nila sa Brgy. Saclit, Sadanga, ng lalawigang ito kahapon, November 16.
Nagsasagawa ng marijuana eradication operation ang mga law enforcement officer mula sa Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera (PDEA-CAR) Mt. Province Provincial Office, Sadanga Municipal Police Station, PIU/PDEU at PMFC nang madiskubre nila ang naturang taniman na tinatayang may lawak na 1,800 square meters.
Nasa 45,000 na fully grown marijuana plants ang winasak ng mga awtoridad.
Walang marijuana cultivator na naaresto ang mga awtoridad mula sa nadiskubreng taniman ng marijuana. Rolando S. Gamoso