Home NATIONWIDE DOTR may babala sa online sellers ng Beep cards

DOTR may babala sa online sellers ng Beep cards

216
0

MANILA, Philippines – Binalaan ni Transportation Secretary Vince Dizon ang mga online selling platforms na kapag hindi nila inalis ang sites na nagbebenta ng beep cards online, sila ay kakasuhan ng gobyerno.

Inihayag ito ni Dizon matapos malaman na kasalukuyan nilang matunton ang mga sindikatong nagho-hoard ng beep cards at ibinibenta sa halagang P300 na mas mataas sa orihinal na presyo na P30.

Ayon kay Dizon, ang pagbebenta ng Beep cards online ay ipinagbabawal kahit sa mga nagbebenta ng regular price.

Binanggit ni Dizon na gagalugarin ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cyvercrime Group ang mga online platform tulad ng Lazada, Shopee, Tiktok, at Facebook para isara ang mga online shop na nagbebenta ng beep cards.

Sinabi rin ni Dizon na nakikipag-ugnayan na rin ang DOTr sa PNP at Special Action and Intelligence Committee for Transportation upang mahuli ang mga sindikato na nagho-hoard ng beep cards.

Samantala, inanunsyo ni Dizon na karagdagang 300,000 regular beep cards ang ilalabas sa buong MRT-3, LRT1 at LRT-2 upang maresolba ang kanilang kakulangan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here