MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ng Department of Transportation (DOTr) ang publiko na maglaan ng sapat na oras sa kanilang paglalakbay para sa year-end holidays.
Sa abiso ng DOTr kaugnay sa Oplan Biyaheng Ayos Pasko 2024, pinayuhan ang publiko na agahan ang punta sa paliparan, pantalan at terminal.
Nagbigay din ng mga tips ang DOTr sa mga manlalakbay na siguruhin ang kanilang kaligtasan.
1. Suriin ang BLOWBAGETS – (battery, Lights, Oil, Water, Brakes, Air, Gas, Engine, Tires) gayundin ang sarili bago bumiyahe upang masiguro na lahat ay nasa maayos na kondisyon.
2. Huwag uminom at magmaneho.
3. Planuhin ang biyahe para makatipid sa gas sa tamang oras.
4. Maging matiyaga sa buong biyahe.
5. Maging updated sa mga pinakabagong balita sa lagay ng panahon at mga detalye ng iyong biyahe.
6. Para sa mas mabilis na biyahe sa Metro Manila, subukang sumakay ng tren.
7. Maghanda ng pagkain, tubig, at mga gamot sakaling ma-stranded ang isa.
Nagsimulang bumuhos ang mga pasahero nitong Sabado sa ilang mga terminal sa Metro Manila para sa kanilang bus trip patungo at pabalik ng kanilang mga probinsya. Jocelyn Tabangcura-Domenden