MANILA, Philippines – Umakyat pa sa P281 milyon ang jackpot sa Ultra Lotto 6/58.
Ito ay makaraang walang nakahula sa tamang winning combination number para sa jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 na P281,445,485.60 sa draw nitong Linggo, Disyembre 29.
Ang winning combination number na 37-45-05-03-30-56.
Ito ay isang araw lamang matapos na manalo ang isang solong mananaya ng P202.5-million jackpot ng Lotto 6/55.
Samantala, wala ring nanalo sa jackpot ng Superlotto 6/49 na P15,840,000.00, dahil walang nakakuha ng winning numbers na 41-12-13-48-19-01. RNT/JGC