Home HOME BANNER STORY Pagdiriwang ng Rizal Day pinangunahan ni PBBM

Pagdiriwang ng Rizal Day pinangunahan ni PBBM

MANILA, Philippines – PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagdiriwang ng Rizal Day, isang pagkilala at pagdakila sa bayaning si Gat. Jose Rizal.

Sa katunayan, nag-alay ng bulaklak si Pangulong Marcos sa monumento ng Bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal, bahagi ito ng paggunita sa anibersaryo ng kamatayan ni Jose Rizal.

Ang pagkamatay ni Dr. Jose Rizal ay alaala ng kanyang katapangan ng paninindigan na ipaglaban ang ating bayan para sa ating kalayaan.

Kasama ng Pangulo ang First Family, dumating sa Rizal Monument sa Luneta Park sa Maynila ng alas-7 ng umaga.

Mataimtim namang isinagawa ang seremonya sa Bagumbayan na ngayon ay tinatawag na Luneta kung saan pinatay si Jose Rizal noong ika-30 ng Disyembre 1896 sa pamamagitan ng firing squad.

Nagsagawa ang mga sundalo ng 21-gun salute bilang pagdakila sa ika-128 anibersaryo ng kanyang kamatayan.

Samantala, kagyat namang umalis ang Pangulo matapos ang wreath laying ceremony.

Ang iba pang organisasyon ay nakatakda namang mag-alay ng bulaklak sa Rizal Monument, ngayong araw ng Lunes, Disyembre 30.

Ang tema para sa Rizal Day observance ngayong taon ay “Rizal sa Bagong Pilipinas: Buhay at Aral Aming Nilalandas,” para bigyang-diin ang “the continued relevance of Rizal’s ideas and literary works in building a strong and united nation,” ayon sa Presidential Communications Office (PCO). Kris Jose