Home NATIONWIDE DOTR nagbabala sa publiko sa nagpapanggap na opisyal ng ahensya

DOTR nagbabala sa publiko sa nagpapanggap na opisyal ng ahensya

57
0

MANILA, Philippines – Nagbabala sa publiko ang Department of Transportation (DOTr) laban sa mga indibidwal na nagpapanggap bilang opisyal ng DOTr at nagsasagawa ng mga hindi awtorisadong tawag.

Batay sa mga natanggap na ulat, ang gumagamit ng mobile number na 09694302055 ay nagpapakilalang si DOTr Assistant Secretary Manuel Cabochan III at tumatawag upang humingi ng pera.

Binigyang-diin ng DOTr na kailanman ay hindi sangkot ang kanilang mga opisyal at empleyado sa ganitong uri ng gawain.

Ang lahat ng opisyal na transaksyon ng DOTr ay isinasagawa lamang sa pamamagitan ng pormal at beripikadong mga paraan.

Pinapayuhan ang publiko na maging mapagmatyag at agad iulat ang mga kahalintulad na insidente sa commuter hotline na 09209643687.

Nakikipag-ugnayan na ang DOTr sa Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG), Department of Information and Communications Technology (DICT), at iba pang kaukulang ahensya upang tugunan ang nasabing usapin. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here