Home NATIONWIDE DOTR planong magbigay ng insentibo sa ship owners na mag-iinvest sa mga...

DOTR planong magbigay ng insentibo sa ship owners na mag-iinvest sa mga bagong barko

MANILA, Philippines – Target ng Department of Transportation na magbigay ng insentibo sa mga may-ari ng barko na mag-iinvest sa pagbili ng mga bagong barko upang i-upgrade ang kasalukuyang passenger at cargo vessels na nag-ooperate sa bansa.

Tinitingnan ng DOTR na “review the incentives that we give to ship owners who will invest in new ships,” sinabi ni Transportation Sec. Jaime Bautista sa sidelines ng 50th anniversary celebration ng Maritime Industry Authority (MARINA).

“It’s really our wish to have younger vessels because younger vessels would mean more efficient operations, meaning it will be cheaper in terms of cost and that will also redound to the benefit of the consumers and the riding public,” ani Bautista.

“We are encouraging ship owners to invest kaya it’s also important for government to review the incentives for ship owners because they would be investing money,” dagdag niya.

Sa kabila nito, kailangan muna itong maisabatas kaya’t makikipagtulungan ang DOTR sa Kongreso.

Pinag-aaralan din ng MARINA “how we can include in our policy the requirement of climate change reduction,” ani Sonia Malaluan, MARINA administrator.

Sa ngayon ay pinapayagan ng ahensya ang mga barko na “more than 20 years of age that is 10,000 GT” habang pinapanatili ang 20-year ceiling para sa mga may mas maiklig ruta “so that we will be improving our maritime transport for domestic carrier,” sinabi pa niya.

Mayroong pagsubok sa pagpapababa ng ceiling para sa mga mas malaking barko “because very few are available in domestic shipping that offers that big [capacity]” para sa long-haul trips.

Noong Enero, ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa MARINA na i-modernize at i-standardize ang sistema nito upang makasabay sa international standards. RNT/JGC