Home NATIONWIDE Mandatory certification ng vape products sisimulan ngayong linggo ng DTI

Mandatory certification ng vape products sisimulan ngayong linggo ng DTI

MANILA, Philippines – Sisimulan na ngayong linggo ang mandatory certification ng imported at locally manufactured vape products.

Ang bagong regulasyon ay ipatutupad sa Hunyo 5, ayon sa anunsyo ng Department of Trade and Industry (DTI) nitong Sabado sa panayam ng DZBB.

“This means we won’t accept those that have no [Philippine standards] license or [Import Commodity Clearance] stickers,” pahayag ni Trade Assistant Secretary Amanda Nograles na siya ring namumuno sa Consumer Protection Group, na nagpapatupad ng mga batas upang protektahan ang mga consumer.

Layon ng hakbang na ito na siguruhin ang kaligtasan ng vape products para sa mga consumer at maaari ring ipatupad sa mas malawak na consumer products katulad ng electronic appliances.

Anang trade official, nais nilang siguruhin na hindi nakakalunok ng mapanganib na mga kemikal ang vape users katulad ng plastik sa heating process ng naturang device.

Susuriin din ang mga battery na ginagamit maging ang consumables.

Sa kabila nito, iginiit ni Nograles na walang kapasidad ang DTI na isailalim sa testing ang consumables ngunit sinabi na tumatanggap sila ng mga analyses na ipinasa mula sa certified laboratories. RNT/JGC