Home NATIONWIDE Mt. Apo pansamantalang sarado mula Hunyo 1 ‘gang Agosto 31

Mt. Apo pansamantalang sarado mula Hunyo 1 ‘gang Agosto 31

MANILA, Philippines – Pansamantalang munang sarado sa publiko ang Mt. Apo sa Davao del Sur mula Hunyo 1 hanggang Agosto 31.

Sa abiso ng lokal na pamahalaan, ang pagsasara ay dahil sa “annual rehabilitation.”

“Let’s give our beloved peak the time it needs to flourish. Thank you for your understanding and commitment to conservation,” saad sa Facebook post ng Davao del Sur Tourism Development and Culture Promotions Office.

Nauna nang sinuspinde ang trekking at camping activities sa natural park hanggang Abril 30 dahil sa banta ng wildfires dahil sa El Nino. RNT/JGC