Home NATIONWIDE DPWH nagbigay-abiso ukol sa ‘di madaanang tulay sa Mt. Province

DPWH nagbigay-abiso ukol sa ‘di madaanang tulay sa Mt. Province

97
0

Pinapayuhan ng Department of Public works and highway (DPWH) ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta dahil sa isang section na hindi madaanan sa Mountain Province dahil sa epekto ng bagyong Enteng.

Ayon sa Report ng Department of Public Works and Highways Bureau of Maintenance (DPWH-BOM), hindi madaanan ang tulay dahil sa mataas na elevation ng tubig na umabot sa 1.2 metro.

Kaya’t apektado ngayon ang bahagi ng kalsada sa lalawigan ng Isabela tulad ng Cabagan-Sta. Maria Bridge, along Cabagan-Sta. Maria Road, connecting Barangay Casibarag Norte, Cabagan and Barangay Mozzozzin, Sta. Maria.

Samantala, ang Mountain Province Cagayan via Tabuk-Enrile Road sa Tabrak, Anabel, Sadanga, Mt. Province ay may limitadong daanan at nadadaanan lamang ng mga light vehicle na sasakyan dahil sa nangyaring pagbagsak ng bato/slope.

Iniulat din ng DPWH-BOM ang partial cost of damage na umabot sa P54.26 milyon sa public infrastructure, mula sa P35.58 milyon na pinsala sa mga kalsada, P11.63 milyon sa mga tulay, at flood control na P7.02 milyon. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here