MANILA, Philippines — Sa gitna ng lahat ng pagbabago sa buhay ng double Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, nananatili ang dedikasyon at gutom sa karangalan.
Gumawa ng kasaysayan si Yulo sa Paris Olympics matapos manalo ng dalawang gintong medalya – ang kauna-unahang Pilipinong nakagawa nito.
Sinabi ng 24 na taong gulang na gymnast na sa tagumpay na nakita niya sa Paris, at ang napakalaking pagbabago sa kanyang buhay, ang pagnanais na mapabuti at manalo ay nananatiling pareho.
“Ang dedikasyon at gutom na makipagkumpetensya at magsanay, mag-level up [nananatiling pareho],” sinabi ni Yulo sa mga mamamahayag.
Nauna nang sinabi ni Yulo na layunin niyang makapasok sa Los Angeles Olympics sa 2028.
Bukod sa gana na manalo ng higit pa sa mga darating na tournament, sinabi ni Yulo na nanatili ang kanyang ugali at core values.
“Being good to myself and the people I inspire, that remains the same. And, yung attitude ko sa training, feeling ko nanatili,” wika nito.
Sa kabilang banda, nakita din ng gymnast ang ilang pagbabago sa kanyang buhay.
“[What changed] is being this famous. Hindi ko inaasahan na ganito kalaki ang epekto. Isa pa, mas konektado ako ngayon sa Diyos, mas malalim na ang relasyon ko sa Kanya,” pahayag ni Yulo.
“Isinakripisyo ko ang aking pagkabata at oras. Inialay ko ang lahat ng oras ko sa aking mga pangarap… Talagang nagpapasalamat ako na ito ang naging karanasan ko, at lahat ng aking pagsusumikap ay nagbunga.”