Home SPORTS Yulo tumanggap ng dalawang bahay at lupa sa Tagaytay mula sa POC

Yulo tumanggap ng dalawang bahay at lupa sa Tagaytay mula sa POC

MANILA, Philippines – Nakatanggap ng hindi lamang isa, kundi dalawang house and lot si Carlos Yulo mula sa Philippine Olympic Committee (POC) matapos tuparin ng  organisasyon ang pangako nito para sa Olympic gold medalists.

Sinabi ng POC na ang dalawang palapag na bahay ni Yulo ay nasa 500 sqm lot na tinatayang humigit-kumulang P15 milyon, ayon sa secretary-general ng sports body na si Atty. Wharton Chan.

Samantala, binigyan din ng bungalow house na may 200-sqm lots sina bronze medalists Nesthy Petecio at Aira Villegas.

“Tradisyon na ngayon, una Hidilyn Diaz deserved all the best for giving the country its first Olympic gold medal and now, turn of Caloy [Yulo], Nesthy and Aira to be feted with the same reward for their historical efforts,”ayon kay POC president Abraham “Bambol” Tolentino.

“Ang mga atleta na ito ay namuhunan ng kanilang buhay sa mga sports na gusto nila at ngayon, inaani nila ang mga bunga ng kanilang mga sakripisyo,” dagdag niya.

“Ang POC ay hindi nag-iisip nang dalawang beses tungkol sa mga gantimpala, isang Olympic medal, anuman ang kulay, ay ang pinakamahalagang medalya sa sports,” sabi ni Tolentino.

Si Yulo at ang mga boksingero ay tumanggap ng mga pabuya mula sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno at pribadong sektor para sa kanilang tagumpay sa kamakailang 2024 Paris Olympics.