Home NATIONWIDE DQ ni Erice sa Erice sa Eleksyon 2025 pinagtibay ng Comelec

DQ ni Erice sa Erice sa Eleksyon 2025 pinagtibay ng Comelec

MANILA, Philippines- Nanindigan ang Commission on Elections (Comelec) sa desisyon nito na idiskwalipika si dating Caloocan Cit 2nd division District Representative Edgar Erice sa pagtakbo sa my 2025 elections.

Sa resolusyong inilabas nitong Biyernes, binanggit ng Comelec ang pagpapakalat ni Erice ng “false and alarming” information bilang batayan ng desisyon nito.

Pinagtibay ng Commission En Banc ang resolusyon ng Second Division na may petsang Nobyembre 26, 2024, na nagdeklarang disqualified si Erice bilang kandidato para sa House of Representatives sa 2nd District ng Caloocan City para sa parating na halalan.

Si Erice ay naghain ng kanyang Certificate of Candidacy noong Oktubre 7, 2024, ngunit ang petisyon na inihain ni Raymond Salipot ay humantong sa kanyang diskwalipikasyon.

Inakusahan ni Salipot na nilabag ni Erice ang Section 261 ng Omnibus Election Code (OEC) sa pamamagitan ng paggawa ng walang katibayan ngunit nakagagambala at nakapipinsalang mga pahayag laban sa Comelec at sa halalan sa iba’t ibang media platforms.

Nag-ugat ang kontrobersiya sa pagpuna ni Erice sa P17.99-bilyong kontrata sa pagitan ng Comelec at Miru Systems para sa 2025 elections.

Paulit-ulit na hinimok ni Erice ang Korte Suprema na ideklarang null and void ang kasunduan.

Noong Nobyembre, nagsumite si Erice ng suplemento sa isang naunang petisyon na naglalayong ipawalang-bisa ang kontrata. Bukod pa rito, nagsampa si Erice ng reklamo sa Office of the Ombudsman na inaakusahan si Comelec Chair George Garcia ng graft and corruption sa Miru deal. Jocelyn Tabangcura-Domenden