MANILA, Philippines- Binigyang-diin ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na hindi pork barrel initiative ang Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP).
Ayon sa Kalihim, hindi responsable ang mga opisyal ng barangay sa pagtukoy sa listahan ng mga benepisaryo ng programa.
“Let me reiterate that all the DSWD’s Field Offices across the country serve people in need, whether they are walk-in clients or referrals from local government unit (LGU) officials,” ang sinabi ni Gatchalian.
Ipinaliwanag nito na ang DSWD social workers ang nagproseso ng AKAP applications at nagdesisyon ng halaga ng tulong na matatanggap ng kwalipikadong benepisaryo.
Ang pahayag na ito ni Gatchalian ay tugon sa sinabi ng nagretirong si Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio kung saan inihahalintulad ang AKAP cash assistance sa kontrobersyal na pork barrel system at ipinanukala na magsumite ang mga opisyal ng barangay ng listahan ng benepisyaryo.
Bilang tugon pa rin ni Gatchalian, sinabi niya na walang probisyon sa AKAP guidelines na pinapayagan ang mga opisyal ng barangay na tukuyin ang mga benepisaryo ng cash aid ng programa.
“With due respect to the former Supreme Court Justice, AKAP is not pork barrel. Any good Samaritan can refer potential beneficiaries, and barangay officials have no role in the selection process as outlined in our guidelines,” ang sinabi ng Kalihim.
Nilinaw naman ng Kalihim na habang ang mga mambabatas at local officials ay maaaring mag-refer ng mga potensyal na benepisaryo, ang social workers ng departamento ang sumusuri at nagsasapinal ng listahan ng mga recipient.
“The original purpose of AKAP is to protect minimum wage earners and near-poor Filipinos from the effects of inflation, which reduces their purchasing power. The program provides assistance tailored to address individual needs, particularly for goods and services impacted by high inflation,” ang paliwanag ni Gatchalian.
Kabilang sa panukalang 2025 national budget ay ang P26-billion na alokasyon para sa AKAP, na inaasahang lalagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa susunod na linggo.
Gayunman, binatikos naman ng opposition lawmakers mula sa Makabayan bloc ang AKAP, binansagan itong “political tool” para sa potensyal na vote-buying sa ilalim ng pagkukunwaring tulong-pinansyal.
Samantala, iniulat naman ng DSWD na halos 5 milyon na ng “near-poor” Filipinos ang nakikinabang sa AKAP sa panahon ng unang taon ng implemetasyon, sumasaklaw mula Enero hanggang Disyembre 26, 2024. Kris Jose