Home ENTERTAINMENT Entry ni Vice, nangunguna; Isang Himala, kulelat!

Entry ni Vice, nangunguna; Isang Himala, kulelat!

Manila, Philippines – Artist manager cum content creator Ogie Diaz took to Facebook the partial ranking of all 10 official entries to the 50th Metro Manila Film Festival.

Nagpasintabi na si Ogie na ang pagkakasunud-sunod ng mga kalahok ay mula sa kanyang source.

Walang accompanying figures ang bawat MMFF entry.

Binigyan din ng benefit of the doubt ni Ogie ang kanyang source.

Isa lang ang malinaw–mas dinagsa raw ng mga manonood ang opening day ng mga kalahok kumpara sa ikalawang araw nito, December 26, Huwebes.

Ayon sa source ni Ogie ay nangunguna ang entry ni Vice Ganda na And The Breadwinner Is.

Kulelat naman ang Isang Himala kung saan gumaganap bilang Elsa si Aicelle Santos.

Narito ang kabuuang talaan at puwesto ng 10 MMFF entries:

  • And The Breadwinner Is

  • The Kingdom nina Vic Sotto at Piolo Pascual

  • Espantaho nina Judy Ann Santos, Lorna Tolentino at Chanda Romero

  • Uninvited nina Vilma Santos, Aga Muhlach at Nadine Lustre

  • Green Bones nina Dennis Trillo at Ruru Madrid

  • Topakk nina Arjo Atayde at Julia Montes

  • My Future You nina Francine Diaz at Seth Fedelin

  • Strange Frequencies nina Enrique Gil at Jane de Leon

  • Hold Me Close nina Julia Barretto at Carlo Aquino

  • Isang Himala ni Aicelle Santos.

Karaniwan nang gauge o barometro ang resulta ng Gabi ng Parangal sa ikalalakas ng pelikula sa MMFF.

Ang ranking sa itaas ay posibleng magbago based on the results of the awards night.

Either ang mahihina sa takilya ay maaaring dumugin, o ang malakas ay posibleng humina ang hatak. Ronnie Carrasco III