SAN GUILLERMO, Isabela- Posibleng madagdagan pa ngayon ang bilang ng mga biktima na umabot sa 37 dahil sa paputok dito sa Region 2.
Batay sa inilabas na datos ng Kagawaran ng Kalusugan o Department of Health (DOH), nasa 37 na ang kabuuang Fireworks Related Injuries (FWRI) sa nakalipas na halos isang linggo mula noong December 21, 2024.
Mas mataas ito ng 236% kumpara sa bilang ng mga naputukan noong 2023 sa katulad na panahon.
Nagpatawag kahapon ang DOH ng emergency meeting sa mga miyembro ng Regional Interagency Committee on Environmental Health (RIACEH) kung saan tinalakay ang mataas na bilang ng mga biktima ng paputok kasama na ang lumobo ring bilang ng vehicular accidents sa Rehiyon.
Batay sa datos, umaabot sa 396 ang maituturing na yuletide related accidents sa rehiyon. Rey Velasco