Home METRO PCG, BJMP sanib-pwersa sa greyhound ops sa Batangas City Jail

PCG, BJMP sanib-pwersa sa greyhound ops sa Batangas City Jail

MANILA, Philippines- Sanib-pwersang nagsagawa ng greyhound operation ang Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Batangas City Jail ngayong Disyembre 27.

Target sa nasabing operasyon ang illegal drugs at kontrabando sa male at female dormitory ng nasabing correctional facilities sa Barangay San Jose-Sico, Batangas City.

Pinangunahan ng Coast Guard K9 Field Operation Unit- Southern Tagalog at gumamit din ng highly trained Narcotics Detection Dogs (NDO) upang matukoy at makumpiska ang ilegal na droga at iba pang ipinagbabawal na items.

Sinabi ng Coast Guard District Souther Tagalog (CGDSTL) na ang naturang proactive initiative ay naglalayong pahusayin ang kaligtasan at seguridad ng pasilidad habang tinutugunan ang ilegal na aktibidad sa correctional institutions.

Inulit ng PCG ang kanilang pangako na mahigpit na makipagtulungan sa BJMP upang palakasin ang peace and order sa correctional facilities sa buong bansa. Jocelyn Tabangcra-Domenden