Home ENTERTAINMENT Coco, tinawag na ‘nanay’ si Julia!

Coco, tinawag na ‘nanay’ si Julia!

Manila, Philippines – Hindi na masasabing “slip of the tongue” ang pagtawag na “nanay” ni Coco Martin kay Julia Montes.

Matutunghayan ito sa TikTok video matapos panoorin ng rumored couple ang Topakk.

Love interest ni Arjo Atayde si Julia sa Topakk.

Pagkatapos itong mapanood ay inabutan ni Coco ng bouquet of flowers si Julia na tinawag niyang “nanay.”

Hinikayat din ni Coco ang publiko na tangkilikin ang Topakk dahil pang-international ang dating nito.

Kinilig naman ang mga netizens sa pagtawag ni Coco kay Julia ng “nanay.”

Nagkakaisa ang mga netizens na unti-unti na raw inilalantad ng couple ang real score sa kanilang dalawa.

Ang pagtawag ni Coco ng “nanay” kay Julia ay isang paraan daw that the actor acknowledges the latter as the mother of their kids.

Matatandaang nitong July ay nadulas ang dila ni Willie Revillame nang papurihan niya si Coco sa kanyang programa.

Willie even made reference to Coco’s children with Julia.

Bago rito’y naiulat na ni Cristy Fermin na dalawa na ang anak nina Coco at Julia. Ronnie Carrasco III