MANILA, Philippines- Reresolbahin ang disqualification cases na inihain laban kay ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo na nangunguna sa senatorial race survey bago ang halalan.
Ito ayon kay Comelec Chairman George Garcia ngayong Huwebes.
Si Tulfo ay nahaharap sa dalawang disqualification cases, ang isa ay inihain noong Martes dahil sa mga batayan ng moral turpitude na nagmula sa kanyang libel conviction gayundin sa kanyang isyu sa citizenship.
Bukod kay Tulfo, ang kanyang kapatid at kapwa senatorial candidate na si Ben at ang natitirang tatlo pang miyembro ng Tulfo clan ay sinampahan ng disqualification case dahil sa mga akusasyon sa political dynasty.
Sinabi ni Garcia na ang kanilang pangako ay tulad sa mga kaso ng nuisance na lahat ng kaso ng disqualification ay gagawin sa unang pagkakataon bago ang halalan.
Binanggit din ni Garcia na ang dalawang disqualification cases laban kay Erwin ay hindi nako-consolidate.
Paliwanag ng poll chief, mayroong mas maliit na batayan na kasama sa bagong inihaing petsyon.
Paliwanag ni Garcia, magkaiba ang petitioners at hindi pare-pareho ang mga akusasyon at alegasyon.
Samantala, mayroon na ngayong 84 porsyentong “disposal rate” ng mga kaso ang Comelec.
Aniya, ang bilang na ito ang pinakamataas sa kasaysayan ng poll body. Jocelyn Tabangcura-Domenden