Manila, Philippines – What can possibly piss off a guy tulad ni Sam Milby?
Naipahayag kasi ng dating Pinoy Big Brother housemate na sobrang close sila ni Moira dela Torre.
“I guess people wanted to connect na may nangyari sa amin,” may kahulugang sabi ng dating nobyo ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Suggestive o implied ang pagkakasabi ni Sam, pero bakit sa isang tabloid (hindi rito sa Remate online) ay diretso nang iniulat na pikon na pikon daw si Sam sa songwriter-singer.
Diumano, ipinagkakalat daw ni Moira na may “nangyari” sa kanila ni Sam.
Ito’y sa kabila ng pag-amin ni Sam na hindi si Moira ana third party sa paghihiwalay nila ni Catriona.
Masagwang tsika ito attributed to Moira kung totoong siya pa ang nagkakalat na may “ganap” sa kanila ni Sam.
Kaso, who will stand up for Moira amidst this bad press, eh, binitiwan na nga siya ng Cornerstone Entertainment?
On her own, anong damage control ang balak gawin ni Moira to come out clean? Ronnie Carrasco III