Home HOME BANNER STORY Drayber ‘di nagbayad, sumibat matapos magpa-full tank

Drayber ‘di nagbayad, sumibat matapos magpa-full tank

96
0

MANILA, Philippines – Tinakasan ng isang drayber ang isang gasolinahan sa Quezon City matapos na magpa-full tank ng kanyang sasakyan.

Ayon sa report, 12:45 ng madaling araw noong Linggo nang dumating sa gasolinahan sa Balintawak, Quezon City ang puting sasakyan na nag-iisang customer nang panahong iyon.

Nagpa-full tank umano ang drayber na umabot sa P5,196 ang kabuuang bill ng diesel ngunit sa halip na magbayad ay agad itong humarurot paalis.

“Habang nag-aantay po ako sa gilid ng customer, dumating po siya, and tinanong niya kung may diesel kasi wala kaming price ng diesel,” ayon sa empleyado ng gasolinahan sa panayam ng ABSCBN News.

“Sabi ko po meron tapos lumayo na po ako. Tinanong ko kung magkano, sabi niya po full tank daw po sagad. Kinargahan ko na po siya. Nung nag-matic na po ang nozzle, tinanong ko po ulit siya kung sagad then sabi niya okay na raw po. Then sinara ko na po yung gas tank niya. Tapos ayun po tumakbo na po siya.”

Nakuhanan naman sa CCTV ang insidente at tinutugis na ng mga awtoridad ang drayber na sangkot dito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here