MANILA, Philippines – Idineklara ng Sorsogon Provincial Board ang state of calamity sa probinsya dahil sa lumulobong presyo ng produktong petrolyo na nakaaapekto na sa ekonomiya nito.
Inaprubahan ang deklarasyon ng State of Calamity dahil sa epekto ng krisis sa buhay ng mga mamamayan ng Sorsogon.
Nakasaad sa Resolution No. 215-2016 na binibigyang kapangyarihan ang Sorsogon LGU na gamitin ang Local Disaster Risk Reduction and Management Fund, kabilang ang Quick Response Fund, para ipatupad ang kinakailangang emergency responses at magbigay ng tulong.
Samantala, inatasan ang lahat ng local government units sa probinsya na gumawa ng hakbang para maibsan ang epekto ng pagtaas sa presyo ng langis kasabay ng pagpapatuloy ng paghahatid ng mga serbisyo. RNT/JGC