MANILA, Philippines – IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang masusing imbestigasyon kaugnay ng ‘dredging at reclamation activities sa Philippine waters.
Ito’y matapos na ibunyag ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na ang buhangin mula sa coastal areas ng Pilipinas ay ginamit sa reclamation activities ng Tsina sa West Philippine Sea (WPS).
“Matapos makatanggap ng impormasyon patungkol dito, inutos po ng Pangulo na magkaroon po ng masinsinang mag-imbestiga patungkol dito. At ngayon po ay ongoing ang investigation,” ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro told reporters.
“At pagka nagkaroon po ng pinal na pag-iimbestiga o konklusyon patungkol po dito, gagawin po ang agarang pag-uutos. Ito ay naayon doon sa maaaring maging resulta ng imbestigasyon,” aniya pa rin.
At sa tanong kung papanagutin ng gobyerno ang local government units (LGUs) para sa quarrying operations sa coastal areas, sinabi ni Castro na depende ito sa resulta ng masusing imbestigasyon.
“Kaya nga po ito ay iimbestigahan kung meron pong dapat managot. Ito naman din po ang bilin ng Pangulo,” ang sinabi ni Castro sabay sabing “Kung may dapat panagutin, dapat pong managot.”
Samantala, ayon sa ulat, kasalukuyan nang iniimbestigahan ng NICA ang ‘reclamation at dredging activities’ ng mga Chinese company sa katubigan ng Pilipinas kabilang na ang Manila Bay. Kris Jose