Home NATIONWIDE Dredging vessels sa reclamation sites sa Manila Bay ininspeksyon ng BI

Dredging vessels sa reclamation sites sa Manila Bay ininspeksyon ng BI

163
0

MANILA, Philippines – Ininspeksyon ng Bureau of Immigration (BI) ang dredging vessels sa reclamation sites sa Manila Bay kasunod ng pangamba ng mga aktibidad ng foreign crews sa lugar.

Ayon sa BI, isinagawa nito ang inspeksyon kasama ang Philippine Coast Guard nitong Biyernes, Agosto 11, upang masigurong ang mga dayuhan na sangkot sa aktibidad na ito ay tumutugon sa immigration laws.

Inaasahang magpapatuloy ang pag-iinspeksyon sa mga susunod na araw.

Nitong Biyernes, sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na inakyat ng kanilang mga inspector ang tatlong barko, ang MV Mao Hua na may 14 Chinese nationals at walong Filipino crew; MV Liang Long na may 17 Chinese nationals at dalawang Filipino crew; at MV Jun Hai 5 na may 28 Chinese crew.

“We will be submitting a comprehensive report of our findings to the Secretary of Justice and will be penalizing any foreign national found to be working without proper documentation,” ani Tansingco.

Sinabi pa ng opisyal na ang mga dayuhang magsasagawa ng commercial activities sa Pilipinas ay dapat na mayroong work visa o permit.

Matatandaang ibinabala ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo ang posibilidad ng security threats makaraang makitang nagpapagala-gala sa Maynila ang ilang miyembro ng Chinese vessels na nakadaong sa Manila Bay.

Noong Pebrero, naglunsad ng imbestigasyon ang Maritime Industry Authority (Marina) sa “suspicious” activities ng 10 foreign vessels, na karamihan ay Chinese sa dagat ng Pilipinas.

Ayon sa Marina, ang mga barko ay nagsasagawa ng dredging at reclamation activities para sa Pasay Reclamation Development Project.

Ilan sa mga ito ay natukoy na naglayag at nag-operate sa labas ng kanilang aprubadong areas of operation, partikular na sa mga lugar ng Nasugbu, Batangas, at Ambil Island sa Occidental Mindoro. RNT/JGC

Previous articleMalolos-Clark segment ng NSCR project nangangalahati na
Next articleDuty Free PH nakapagtala ng $54.1M sales mula Enero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here