Home METRO Driver,  konduktor ng van himas-rehas sa panggagahasa sa  pasahero!

Driver,  konduktor ng van himas-rehas sa panggagahasa sa  pasahero!

147
0

CLAVER, Surigao del Sur- Himas-rehas ngayon ang isang driver ng pampasaherong van at kanyang konduktor matapos ireklamo ng paulit-ulit na panggagahasa sa 19-anyos na dalagang kanilang pasahero, noong Sabado sa bayang ito.

Sa isinagawang hot pursuit operation ng pulisya, nadakip ang mga suspek na kinilalang sina Don Clemente Paje at Tonton Enopia, pawang nasa hustong gulang.

Ayon kay Captain Markson Almeranez, hepe ng Claver Municipal Police Station, nagtungo sa kanilang himpilan ang 19-anyos na dalaga na itinago sa pangalang Nena para pormal na magsampa ng kasong Rape laban sa mga suspek.

Base sa salaysay ng biktima sa pulisya, bandang alas-3 ng madaling araw nang maganap ang panggagahasa sa loob ng van na nakaparada sa gilid ng convenience store sa Carrascal, Surigao del Sur.

Aniya, ang van ay biyaheng Tandag, Surigao del Sur para sana magbakasyon siya sa kanyang pamilya.

Pagbaba ng mga pasahero sa Carrascal, siya na lamang ang natitirang pasahero at sinabi ng driver na maghihintay lamang muna sila ng iba pang pasahero.

Bumaba ang konduktor at pumasok sa convenience store pagbalik nito ay may dalang alak hanggang sa inubos itong tunggain ng dalawa.

Makalipas ang ilang minuto ay bigla na lamang siyang nilapitan ng suspek saka itinali ang mga kamay nito gamit ang t-shirt ng suspek.

Sunod ay halinhinan na siyang ginahasa ng mga suspek nang paulit-ulit hanggang sa makarating ito sa kanilang lugar.

Pagbaba ng biktima ay tinakot siya ng mga suspek na kapag nagsumbong siya ay papatayin siya.

Hindi naman nagpasindak ang biktima at naglakas-loob siyang nagtungo sa barangay para humingi ng tulong at nagpasama sa nasabing himpilan ng pulisya.

Agad natunton ang mga suspek na nagresulta sa pagkakadakip sa mga ito at inihanda ang mga kasong isasampa.

Sa himpilan ng pulisya, humingi ng tawad ang mga suspek sa kanilang nagawa at sinabing nadala lamang sila ng bugso ng kanilang damdamin. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here