Home METRO Driver na pumatay sa Lebanese national sumuko sa mga parak sa Bulacan

Driver na pumatay sa Lebanese national sumuko sa mga parak sa Bulacan

214
0

BULACAN, Philippines – Sumuko ang 47 anyos na lalaking nakabaril at nakapatay sa Lebanese national sa himpilan ng pulisya sa lungsod ng Baliwag nitong umaga ng Disyembre 8.

Sa ulat ni  PLTCOL Jayson San Pedro, hepe ng Baliwag police station, sumuko bandang 10:00 ng umaga  si alyas “Ramil”, driver, residente ng Gapan, Nueva Ecija.

Ayon sa ulat, umamin  si Ramil sa pagpatay sa biktima na natagpuang duguan at walang buhay dakong 3:15 ng happn noong Nobyembre 24 taong kasalukuyan sa isang village sa nasabing lugar.

Sa salaysay ng suspek, nangyari ang insidente noong Nobyembre 23, sa pagitan ng 7:00 ng gabi hanggang 7:11 ng gabi gamit ang Armscor STK cal. 9mm na kanyang isinuko para sa cross-matching examination sa Provincial Forensic Unit.

Sinasabing may isang tama sa ulo ang biktima at posibleng nakonsensya ang suspek kaya sumuko sa mga awtoridad. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here