Home METRO Driver todas, kawalwalan sugatan sa rapido ng parak sa Bulacan

Driver todas, kawalwalan sugatan sa rapido ng parak sa Bulacan

Image Representation Only

Bulacan – Patay ang 33 anyos na driver habang sugatan ang kanyang kainuman matapos umanong pagbabarilin ng kaalitang pulis sa bayan ng Angat.

Kinilala ang nasawing si Wallie Dela Torre habang ang sugatan ay si Welbert Dela Torre kapwa residente ng Brgy. Banaban 3rd, Angat.

Nalamang ang suspek ay kinilalang si Patrolman Renzie Paul Sagum, 29, binata, miyembro ng Philippine National Police, nakatalaga sa Doña Remedios Trinidad police station at residente ng Brgy. Catchile.

Sa report ng pulisya, naganap ang insidente bandang 11:55 ng gabi nitong Setyembre 7 sa Brgy. Banaban 3rd, Angat.

Ayon sa imbestigasyon, sa kasagsagan ng inuman ng mga biktima ay dumating ang suspek hanggang sa nagkaroon ng maiinitang pagtatalo.

Dahil dito, nagkaroon ng komosyon ang magkabilang panig hanggang sa bumunot ng baril ang suspek at makailang ulit pinagbabaril ang mga biktima.

Nang humupa ang kaguluhan ay agad dinala ang mga biktimang duguan dahil sa tama ng bala sa ibat-ibang parte ng katawan sa Twin Care Hospital.

Sinasabing si Wallie ay dead on arrival habang si Welbert ay patuloy na ginagamot sa naturang ospital.

Naaresto naman kalaunan ng mga rumespondeng pulis ng Angat police station ang susoek na nahaharap sa kasong murder at ftustrated murder. (Dick Mirasol III)