Manila, Philippines- Deboto pala ng Manaoag Church sa Pangasinan si Mommy Remedios, ang butihing ina ni Derek Ramsay.
Sa katunayan, doon nananalangin ang celebrity mom na sana’y magkasupling na sa misis na si Ellen Adarna ang aktor.
Panay daw kasi ang pangungulit nito
kay Derek.
Pero ayon sa Fil-British actor: “Wala pa, trying pa rin kami ni Ellen!”
Taliwas ito sa makailang ulit nang naba-blind item na isa nang expectant mom si Ellen, this time after Elias na anak nito kay John
Lloyd Cruz.
Ani Derek, ke baby boy o baby girl pa ‘yon ay okey lang sa kanya.
Sa ngayon, mas ninanamnam daw nila ni Ellen ang panahong magkasama sila–enjoying their private life they never had noong active pa sila sa showbiz.
Aminado si Derek that between the two of them ay siya ang mas clingy.
Also, between them ay mas siya ang maaasahan sa kusina: “But I won’t say naman na magaling akong magluto. Ellen kasi doesn’t cook, pero magaling siyang mag-order ng delivery food. Hahaha!”
Summing it all up, Derek considers himself blessed.
“Hindi ko na kailangan ng milyones to be happy. As it is now, masayang-masaya ako with my
wife!” aniya.
Just the same, pinalalakihan daw ni Derek ang kanilang tahanan pag nadagdagan na sila, meaning, pag dumating na ang inaaasam nilang anak ni Ellen. Ronnie Carrasco III