Home NATIONWIDE Drivers’ license ng drayber ng SUV sa viral road rage ramming incident...

Drivers’ license ng drayber ng SUV sa viral road rage ramming incident sinuspinde ng LTO

269
0

MANILA, Philippines – Sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ang driver’s license ng isang sports utility vehicle (SUV) driver na nakabangga sa isang motorcycle rider sa isang video na nag-viral sa social media.

Sinabi ni Acting Assistant Secretary at LTO Chief Atty. Greg G. Pua, Jr. na 90 araw ang pagsuspinde na ipinataw sa driver’s license ng driver ng SUV, idinagdag na mayroon nang tagubilin sa kanya sa inilabas na show cause order (SCO) laban sa kanya na isuko ang kanyang driver’s license o bago ang Hulyo 30.

“Kapuwa ang kanyang lisensya sa pagmamaneho at ang plaka ng sasakyan na sangkot sa insidente ay inilagay na sa ilalim ng alarma upang maiwasan ang anuman at lahat ng mga transaksyon habang nasa ilalim ng imbestigasyon,” sabi ni Pua.

Ayon kay Pua ang kaso sa viral video ng Changan SUV driver na sinadyang bumangga sa isang motorcycle rider sa kanilang paghaharap sa tila isa pang kaso ng road rage.

Dahil dito, kinaladkad ng ilang metro ang rider ng motorsiklo sa kalsada.

Ang suspek ay inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil umano sa pagpapanggap nito bilang ahente sa pangalang Paul John Jimenez. Nakilala siya kalaunan bilang si Jay-ar Cabana.

Batay sa impormasyon mula sa NBI, nagpakilalang NBI agent ang suspek sa komprontasyon.

Batay sa SCO, hiniling ni Pua sa driver na ipaliwanag kung bakit hindi siya dapat managot sa mga kaso ng pagpapatakbo ng motor vehicle na may hindi awtorisadong accessories, reckless driving, at pagiging Improper Person to Operate a Motor Vehicle (Sec. 27 (a) ng R.A. 4136) kaugnay ng nasabing insidente.

“Ang pagkabigong humarap at magsumite ng nakasulat na mga komento/paliwanag gaya ng kinakailangan ay dapat ipakahulugan ng tanggapan na ito bilang isang pagwawaksi ng iyong mga karapatan na pakinggan, at ang kaso ay dapat pagpasiyahan batay sa ebidensyang nasa kamay,” ang binasa ng SCO. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here