Home METRO Droga tinago sa ari; 3 arestado

Droga tinago sa ari; 3 arestado

MANILA, Philippiens – ARESTADO ang tatlo (3) kabilang ang dalawang babae na itinago ang kanilang iligal na droga sa kanyang suso at ari sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Brgy. Sangandaan kamakalawa ng gabi Lunes (Oktubre 2, 2023).

Sa ulat ni PLTCOL. Morgan B. Aguilar hepe ng Quezon City Police District station 3 Talipapa kinilala ang mga dinakip na suspek na sina Precilla Estabillo, alias Mokong, 28 years old, may live-in partner, walang trabaho, residente ng Brgy. Sangadaan, QC; Crystal Joseph alias Tala, 24, dalaga, walang trabaho, residente ng Brgy. Botocan, QC; at Joselito Torno, alias Joey, 42, may live-in partner residente ng Brgy. Caloocan City.

Ayon kay PCpl. Erwin Estrera Cordero imbestigador nadakip ang mga suspek sa Brgy. Sangandaan, Quezon City dakong 11:30 ng gabi nitong nakalipas na Oktubre 2, 2023 (Lunes).

Sinabi ni Cordero na nagsagawa ng anti-illigal drug operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) Talipapa police station 3 sa pamumuno ng hepe nito na si PCapt. Elvin B. Olmedillo chief ng SDEU laban sa isang alyas Mokong (Precilla Estabillo).

Nabatid pa sa ulat ng isang pulis ang nagpanggap na poseur buyer laban kay alyas Mokong at bumili ng halagang P200.00 na halaga ng shabu.

Matapos iabot ang naturang iligal na droga ng suspek agad dinakma ang hindi na nakapalag na suspek (Estabillo).

Habang kinakapkapan ni PSSg. Melody Fatima Cabanilla si Esabillo nakuha pa sa kanya ang ilang droga sa loob ng bra ng kanyang dibdib.

Kaugnay nito sa gitna ng isinasagawang police operation dumating ang dalawang indibidwal na sina Crystal Joseph at Joselito Torno sa lugar na hinihinalang parukyano din ni Estabillo.

Nakuha naman ni PSSg. Cabanilla sa maselang bahagi ng katawan ni Crystal ang iligal na droga.

Kasalukuyan ngayon nakapiit ang mga suspek sa naturang himpilan ng pulisya at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Santi Celario)

Previous articleRice price cap binawi na ni PBBM
Next articleBrownlee, Gilas handa na kontra China