BINAWI na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. simula ngayong araw ng Miyerkules, Oktubre 4 ang rice price cap.
Sa isang panayam, sinabi ng Pangulo na ito na ang tamang panahon para i-lift ang rice price ceiling lalo pa’t namimigay na ng bigas ang pamahalaan.
“Yes as of today’s we are lifting the price caps on the rice both for the regular milled rice and for the well milled rice. So tinatanggal na natin yang mag- control,” aniya pa rin.
Iyon nga lamang ayon sa Pangulo ay kailangan pa ring ayusin ang agricultural sector, kailangan pa ring tulungan ang mga pinakamahirap at pinakagutom na kahit papaano aniya ay makaahon ang mga ito.
“So to do that, we have, we will continue the assistance that we have been giving to farmers, also the assistance that we have been given to those most underprivileged families, young sa pinamababang demographic economic class, dahlia talaga slang naghihirap,” aniya pa rin.
Matatandaang, nito lamang nakaraang buwan ng Setyembre, inaprubahan ni Pangulong Marcos ang kautusan na nagtatakda ng limitasyon o “ceiling” sa presyo ng bigas sa buong bansa. Hinikayat din ng Palasyo ang publiko na isumbong ang mga nagtitinda at negosyante na hindi susunod.
Sa pinirmahang Executive Order No. 39 ni Executive Secretary Lucas Bersamin, nakasaad na inaprubahan ni Marcos ang rekomendasyon ng Department of Agriculture (DA) at Department of Trade of Industry (DTI) sa pagtatakda ng price ceilings sa bigas sa buong bansa.
Sa regular milled rice, P41 per kilo ang itinakdang sagad na presyo, habang P45 per kilo naman sa well-milled rice.
Inilabas ang naturang kautusan matapos mabahala si Marcos sa sumisirit na presyo ng bigas sa bansa na umaabot ngayon sa P45 hanggang P70 ang bawat kilo.
Sa ilalim ng Section 7 ng Republic Act No. 7581, nakasaad na may kapangyarihan ang Pangulo na magpatupad ng price ceiling sa mga pangunahing produkto batay sa rekomendasyon ng implementing agency, o ng Price Coordinating Council.
Nakasaad din sa EO na mananatili ang itinakdang price ceilings sa bigas hangga’t hindi inaalis ng Pangulo, batay sa rekomendasyon ng Price Coordinating Council o ng DA at DTI.
Inatasan din ni Marcos ang DA at DTI na tiyakin ang maipatutupad ang naturang kautusan.
Kasama rin sa EO ang direktiba sa Department of the Interior and Local Government, pati na ang Philippine National Police, na tulungan ang DA at DTI sa pagpapatupad ng kautusan. Kris Jose