Home HOME BANNER STORY Foreign vessel na sumagasa sa bangka na ikinamatay ng 3 mangingisda pananagutin...

Foreign vessel na sumagasa sa bangka na ikinamatay ng 3 mangingisda pananagutin ni PBBM

MANILA, Philippines – LABIS na ikinalungkot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang napaulat na tatlong mangingisda ang nasawi matapos banggain ang sinasakyan nilang bangka sa karagatang sakop ng Bajo de Masinloc.

Ang insidente ayon sa Pangulo ay kasalukuyan nang iniimbestigahan.

“We are deeply saddened by the deaths of the three fishermen, including the captain of the fishing vessel. The incident is still under investigation to ascertain the details and circumstances surrounding the collision between the fishing boat and a still unidentified commercial vessel,” ayon sa Pangulo.

Sa ngayon, nagsasagawa ang Philippine Coast Guard (PCG) ng backtracking at checking sa lahat ng monitored vessels sa lugar bilang bahagi ng kasalukuyang ilsinasagawang imbestigasyon.

“We assure the victims, their families, and everyone that we will exert every effort to hold accountable those who are responsible for this unfortunate maritime incident,” pagtiyak ng Pangulo.

“Let us allow the PCG to do its job and investigate, and let us refrain from engaging in speculation in the meantime,” dgdag na pahayag nito.

Siniguro naman ng Pangulo na magbibigay ng suporta at tulong ang pamahalaan sa mga biktima at sa kanilang pamilya.

Sa ulat, sinabi naman ng PCG na ibinahagi ng mga nakaligtas na ibang mangingisda na isang hindi natukoy na commercial vessel ang bumangga sa kanilang bangka na FFB DEARYN.

Nangyari ang insidente noong October 2, 2023 kung saan kabilang sa mga nasawi ay ang kapitan ng fishing boat.

Tuluyan na ring lumubog ang nasabing bangka ng mangingisda habang 11 crew naman ang nakaligtas.

Ang mga bangkay naman ng nasawi ay dinala na Barangay Cato, Infanta, Pangasinan. Kris Jose